Si Seth, maliban sa nakilala ng ibang tao bilang isang kilalang siga sa Brgy. Bakbakan, ay isang ring volunteer na nagtuturo sa isang grupo ng kabataan na walang pampaaral. Mahalaga sa kanya ang mga bata, para sa kanya ay itinuturing na rin niya itong mga mga kapatid. Tinuturuan niya ang mga ito ng iba’t-ibang takda tulad ng matematika, ingles at sining. Tinuturuan din niya ang mga bata ng mga tamang asal at tamang pakikitungo sa kapwa.
Hindi lihim sa kanilang kaalaman na ang kanilang binatang guro ay tumatayong siga sa kanilang lugar. Sa katunayan, si Seth ay hinahanggan pa ng mga bata dahil sa kanyang pagtanggol sa mga naaapi, kahit na kadalasa’y wala siyang laban sa iba.
Huwag kayong matakot, ako na ang bahala sa inyo.
Seth
Madami ring kaibigan si Seth dahil tunay nga namang mabuti ang kanyang kalooban. Palaging nariyan ang mga kaibigan niya para sa kanya, at siya naman para sa kanila.
Mahaba ang pasensya ni Seth pero madali siyang maasar sa pasaway, walang disiplina, at walang modong mga tarantado. Hindi siya mahilig maghanap ng away pero kapag kinakailangan ay napapasabak siya.
Trivia: Walang bisyo si Seth. Hindi siya naninigarilyo o umiinom ng alak, at lalong hindi siya gumagamit ng bawal na gamot. Wala din siyang hikaw o anumang piercings sa katawan. Wala rin siyang tattoo. (Ang nasa kanan niyang braso ay ipininta lamang ng mga bata niyang estudyante, isang simbolo.)