Noong bata pa ko, may Ninong akong pari. Sumakabilang-buhay na siya ngayon. Hindi na masyadong malinaw ang alaala ko pero natatandaan ko na dati ay pinatikman niya ako ng hostiya, kasi na-curious ako sa lasa. Sa San Miguel, Bulacan pa ito, doon sa simbahan kung saan ako bininyagan.
Siguro’y dahil din sa kanya ay kaya ko minsang ginustong maging pari.