lumusong kami sa baha sa Dapitan

Published on

in

Noon college, may isang beses na umulan ng napakalakas at bumaha sa paligid ng UST. Kung tutuusin naman kahit mahinang ulan lang ay bumabaha na din doon. Anyway, dahil nga bumaha ay nahirapan kaming sumakay pauwi, napagdesisyunan nalang namin na maglakad (at lumusong) papunta sa bahay nila Lorbie, sa may Blumentrit. Kasama ko sina (please…

Noon college, may isang beses na umulan ng napakalakas at bumaha sa paligid ng UST. Kung tutuusin naman kahit mahinang ulan lang ay bumabaha na din doon. Anyway, dahil nga bumaha ay nahirapan kaming sumakay pauwi, napagdesisyunan nalang namin na maglakad (at lumusong) papunta sa bahay nila Lorbie, sa may Blumentrit.

Kasama ko sina (please correct me if I’m wrong, di ko na talaga maalala exactly pero eto ang nakasulat sa journal na to habang ine-edit ko) Larry, Benedict, Jeane, Alfonso, Rey, Joy, Aizber at malamang si Lorbie kasi bahay nila yun, ay tinahak namin ang Dapitan. Abot sa hita ko ang lalim ng tubig-baha.

Sa tuwing may dumadaan na sasakyan ay nagkakaroon ng waves, na para bang nasa wave pool ka, kulang na lang ay magswimming ka din. Aside sa mga sasakyan na dumaan ay may dumaan din na isang kalesa sa tabi namin. Yung saluhan ng poo-poo ng kabayo ay sumasayad sa tubig, so kayo na bahala mag-imagine. Kapag hindi mo na-experience to ay hindi ka talaga nag-aral sa Uste.

Hindi ko na rin maalala kung nag-overnight kami doon o nagpatila lang at nagpalipas oras bago umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Kinabukasan, tinanong ako ni Karen, isa pa naming kaklase na bakit hindi nalang daw kami sana sa kanila nagpunta, kung saan mas malapit kaysa sa kina Lorbie. Ewan ko nga ba kung bakit.

Tag/s: