Home » Literature

Landas ng Buhay

Landas ng Buhay is an undeveloped and unpublished manifest comic idea for the Komikon Summer Fiest 2009 Comic Creation Contest.

This was supposedly an entry for the Komikon Summer Fiesta of 2009‘s Summer Comic Creation Contest which unfortunately, (I can’t quite remember why) didn’t end up making it. The theme for the contest was “Nag-iinit sa Tag-init”.

Here’s the raw manuscript for the comic idea:

Since ang theme ng comic contest ay “Nag-iinit sa Tag-init”, magandang gawin nating intro ang something na i-e-expect ng mga readers kapag nadinig ang “nag-iinit”.

Sa simula ng komik, madilim ang panel at magdedepict ng unknown na scene. May dialogues na “double-meaning”, tulad ng “Uhhh….” “Syet! Ang sikip!” at “Ooooohhhh… Bilisan mo!”

Sa susunod na mga panels, unti-unting i-re-reveal ang mga scene. Pero siyempre, sa mga unang kasunod na panel, hindi pa rin natin ididisappoint ang mga reader.

May ipapakita na babae, mula sa may ilong hanggang kanyang collarbone, naka-arch ang kanyang likod at pinagpapawisan. “Araaaay! Wag po! Wag po!”

Sa susunod na panel, ipapakita naman ang isang matandang mama.

Naka-lean forward ito, at tumutulo ang pawis sa mukha at sa leeg. Nakangiti at kitang-kita ang kinang ng kanyang ngipin.

“Ughhhhh…. Eto na ko, lalabas na….”

Sabay biglang may tutunog na Toooooot Tooooooot!!!!

Dito palang natin ididisappoint ang readers.

Ipapakita ang babae, iritang-irita sa mga taong nakikipagsiksikan sa kanya. Ipapakita rin ang lalaki na muntik nang masarhan at maipit sa pintuan ng tren ng MRT.

Sa huli ng unang pahina, ipapakita ang side view ng isa kalahati ng MRT car. Sa bandang kaliwang bahagi ng MRT, ipapakita ang dalawang “malusog” na characters na sina Siopao at Buknoy na nag-uusap. Habang sa bandang kanan na bahagi naman ng MRT, ipapakita ang nagsisiksikan na mga tao, just in time bago sumara ang pinto ng tren. Ipapakita rin na may naglalakad-lakad o mga naghihintay sa platform, isang typical na araw sa MRT station.


Sunod na pahina.

Ipapakita ang loob ng MRT car. Hindi puno ng tao (siguro dahil nasa North Ave. pa lang ito at dahil sumara agad ang pinto).

Nag-uusap sina Siopao at Buknoy. Umaandar ang MRT.

SIOPAO: Buks, nagnosebleed ako dun ah. (Tinutukoy ang mga nasa unang panels) Hehe.. hehe.. (may DSLR na nakasukbit sa kanyang leeg)

BUKNOY: (Sweat drop) Errr… Paano naman kasi, kung anu-ano ang iniisip mo. (Mapapansing parehas sila ng suot, WAB shirts na bagong design!)

Ipapakita si Siopao na nairita sa remark ni Buknoy. Ipapakita si Buknoy na naka “W” na letra gamit ang kanyang mga daliri. Kakatigil lang ng MRT sa sunod na station.

SFX: “Quezon Avenue Station… (etc. isingit kung ano normally sinasabi ng mga konduktor ng tren)”

Siopao: “Loko-loko! Ginagawa mo naman akong menyek! Inaappreciate ko lang ang mga pangyayari, at ganito talaga sa MRT: Nag-iinit sa Tag-init.” (Ito na din ang magiging title card)

Buknoy: Whatever…

(Ibang POV)

Sa kabilang side ng MRT, kung saan medyo out of focus na si Siopao at Buknoy, at nakafocus na ang panels kung saan mas malapit sa ating bida.

Biglang mapapalingon si Siopao dahil may papasok na mga chinita pagbukas ng pinto ng MRT. Nakasummer outing outfit sila at may mga dala pang salbabida at bag ready para sa summer outing. (Uso kasi ang swimming dahil mainit ang panahon.) Ipapakita na magkukukuha si Siopao ng picture gamit ang kanyang DSLR, habang nakangiti nanaman.

Siopao: “Buknoy, hehe… hehe… swimming din tayo! hehe… hehe…”

SFX: Click click! Click click!

Bida: “Mabuti pa sila, pabaka-bakasyon at pa-swimming-swimming na lamang.”

Ipapaktia ang bida, nakaupo sa upuan sa tren na may dalang backpack na bag. Nakapolo na hindi gaanong magara, yung tama lang. Naka-pantalon at isang pares ng gamit na gamit na sapatos. Nakapang-office attire. Naka-buntong-hininga na expression. Medyo naiinggit.

Bida: “Sa hirap ng buhay namin, wala na akong panahon sa bakasyon.”

(Hati-hatiin sa iba’t-ibang panels ang mga susunod na pangyayari)

Ipapakita (parang memory) na sa apat niyang kapatid, ang sumunod sa kanya na limang taon ang age difference ay nagsisimula palang mag kolehiyo at siya ang nagpapaaral.

Ang iba pa niyang mga kapatid at hindi na nagtapos sa pag-aaral at nagkani-kaniyang sidejobs na lamang.

Ang nanay nila ay hindi makapagtrabaho dahil sa isang malubhang karamdaman.

Tapos magpapakita rin ng scene na kung saan ang buong pamilya ay bumisita sa puntod ng kanilang ama.

(Sa bawat scenes na mga ito ay may mga background SFX, para malaman ng readers na umaandar at tumitigil ang MRT sa iba’t-ibang station)

SFX: “Ortigas Avenue Station… Ortigas Avenue Station…”

Siksikan nanaman ang mga tao sa MRT, nagkakatulakan at nagkakasakitan na. May mga nagsusumubok makalabas pero patuloy na magpupumilit pumasok ang mga nasa labas.

“Excuse me po,” sabi ng mga palabas. Hindi siya pinapalabas kaya nilagyan niya ng extra effort at itinulak niya yung mga nasa labas. “SORRY PO, PERO EXCUSE ME! LALABAS LANG!”

Dahil naitulak ng lalabas ang ibang pumapasok, nagalit naman etong pumapasok, “Punyeta! Ang init na nga pinapainit mo pa ang ulo ko!” Magsisimula na silang mag-away ng biglang pipito ang guard. Sasara ang pinto at maiipit ang bag ng lalabas, habang ang papasok ay di na makakapasok. Parehas silang maiiwanan sa MRT station.

Maiisip ng bida na kahit na silang magkakapatid ay minsang hindi nagkakaintindihan ay hindi na nila naiisipang mag-away.

Ipapakita sa kanyang memories na nagbobonding silang magkakapatid, kasama ang kanilang nanay.

Ipapakita na naghahati sila sa mga pagkain kahit na kaunti lang ang ulam nila.

Ipapakita na lagi silang masaya kabila ng mahirap na buhay nila.

Ipapaliwanag sa mga scene o panel na to na since sila-sila lang din naman ang magkakasama at ang nagpapakasaya sa bawat isa, ay hindi sila nag-aaway-away.

SFX: “Guadalupe Station… Guadalupe Station…”

May ma-overhear siya na dalawang magkaibigan na nag-uusap tungkol sa kanilang cellphone.

Yung isa, nagtatanong kung ano nga ba ang latest model ng cellphone ang maganda, kasi daw yung recent lang niya na celphone na “MyPhone” ay napag-initan ng mga snatcher.

Maaalala ng bida na siya nga ay nagtitiis lang sa kanyang 3210 na ipinamana pa ng kaniyang tiyuhin para lang may magamit siya just in case of emergency.

Ipapakita rin na siya lang at ang sumunod sa kanya ang mga sariling cellphone sa kanilang pamilya at hindi rin naman nila hilig ang mag text dahil aksaya lang sa pera at kalimitan ay wala silang pambili ng load.

May ma-o-overhear naman ang bida na isang lalaki na bukambibig niya ang babaeng kanyang crush. Babanggitin ng lalaki na nag-aalab ang puso niya para sa babae.

SFX: “Magallanes Station… Magallanes Station…”

Maiisip ng bida na siya nga ay. wala na siyang panahon sa pag-ibig dahil madami na siyang responsibilidad.

Magflashback ulit sa pamilya niya, sa trabago, sa pagpapaaral sa mga kapatid niya. Pero ipapakita rin na medyo malungkot siya. Maaalala niya yung pakiramdam ng pagiging lonely at yung pakiramdam ng nag-lo-long ng company.

Sa kanyang absent-mindedness, di niya mapapansin na nasa Taft Avenue Station na pala siya.

Kanina pa pala tumutunog at nag-aannounce ang konduktor sa speaker.

Magmamadali siya makalabas sa MRT dahil nagsisiksikan nang pumasok ang mga tao. Sa kanyang pagmamadali ay may makakabangga siyang babae.

Magsosorry sila sa isa’t-isa at magkakatitigan saglit.

Paglabas niya sa MRT ay mapapansin niya na may naihulog na notebook ang babae. Isasauli na sana niya ito kaso sakto, sumarado na ang pinto.

Kinatok niya ang pinto para makuha ang atensyon ng babae pero unti-unti nang bumibilis ang takbo ng tren.

(Ibang POV naman)

Kinakausap ng isang babae ang kanyang kaibigan na nakatunganga sa labas ng pinto ng MRT. “Kakilala mo ba yun, Nette? Kumakaway sayo eh.”

Ipapakita ang babae (ito rin ang babae na nakabangga ng ating bidang walang pangalan) na nakahawak sa kanyang dibdib at nagbablush. “Hindi, hindi ko siya kilala.”

Parehas pa silang tinamaan ng kupido.


Ma-a-alimpungatan nalang si Buknoy. Nakatulog pala siya sa MRT at magugulat siya na nasa tren na sila ng kababaihan. Makikita niya si Siopao, tuwang-tuwa, at nagkukukuha ng mga picture ng mga cute na babaeng kasakay nila sa tren.

Magkukunwari nalang ulit na tulog si Buknoy sa sobra niyang kahihiyan.

(Tapos)

The comic idea was supposed to be another collaboration with WABarkada friends. The characters Siopao and Buknoy were based on real people.

Looking to collaborate?