Naalala ko lang

A random memory; a random lesson learned.

  • may baby na karga si Nanay sa panaginip ko kagabi

    Napanaginipan ko si Nanay, nakasakay daw kami sa bus. May karga-karga daw siyang baby, tapos sabi ko sa kanya, “Nanay, kamukhang-kamukha ni Lola Lucing.” Si Lola Lucing ay nanay ng nanay ko, pumanaw na siya bata pa lang ako. Kami lang talaga ni Joy ang nakaabot sa kanya, pero baby pa noon si Joy at…

  • ang tawag pa namin kay Lorbie ay Norbie

    |

    |

    Naalala ko lang na paulit-ulit kong binibiro si Lorbie na ang pagkakaalala namin sa pangalan niya nung first day ng college ay Norbie imbis na Lorbie. Mabuti naman ay hindi siya napipikon noon, o hindi nga ba?

  • lumusong kami sa baha sa Dapitan

    |

    |

    Noon college, may isang beses na umulan ng napakalakas at bumaha sa paligid ng UST. Kung tutuusin naman kahit mahinang ulan lang ay bumabaha na din doon. Anyway, dahil nga bumaha ay nahirapan kaming sumakay pauwi, napagdesisyunan nalang namin na maglakad (at lumusong) papunta sa bahay nila Lorbie, sa may Blumentrit. Kasama ko sina (please…

  • binigyan ako ng bronze medal

    |

    |

    Noong 4th year highschool, sa awarding ng sportsfest, naalala ko lang binigyan ako ng isang teacher ng bronze medal, kasi daw may extra na bronze medal at since 4th place naman daw ako sa Chess ay sa akin na lang daw.

  • nag-try out ako sa boy scout sa Brunei

    Bandang grade 3 siguro, inaya ko si Ronald (kapitbahay namin sa Seria, Brunei) na mag-try out sa boy scout ng St. Michael’s school, kung saan ako nag-aral dati ng grades 1 to 3. Edi nandoon na kami at nag-di-drills na ang mga boy scout, at sa kadahilanang hindi namin maintindihan ang mga command dahil Malay ang…

  • nadapa ako sa harap ng teachers’ office

    |

    |

    Noong highschool, sa Cainta Catholic College, naalala ko lang dati na nagmamadali ako sa hindi ko maalalang dahilan ay tumatakbo ako. Saktong pagdaan ko sa teacher’s office, kung nasaan mismo yung see-through glass doors ng mismong opisina na iyon ay nadapa ako. Agad-agad akong tumayo at nagkunyaring walang nangyari. Nabutas ang pantalon ko at nasugatan ako…

  • pumapak kami ng hostiya

    |

    |

    Noong highschool pa ako, sa Cainta Catholic College, napagtripan naming magkakaibigan na bumili ng hostiya sa isang catechist store sa tabi ng isang gate sa school. Sa isang pack, siguro ay may 50 na piraso ng hostiya. Kinain namin ito na parang merienda, para lang siyang chips.

  • may Ninong akong pari

    |

    |

    Noong bata pa ko, may Ninong akong pari. Sumakabilang-buhay na siya ngayon. Hindi na masyadong malinaw ang alaala ko pero natatandaan ko na dati ay pinatikman niya ako ng hostiya, kasi na-curious ako sa lasa. Sa San Miguel, Bulacan pa ito, doon sa simbahan kung saan ako bininyagan. Siguro’y dahil din sa kanya ay kaya…